Kabataan ang pag-asa ng bayan!
Yan ang wika ng karamihan.
nagsimula sa bayaning,
Gat. jose Rizal ang ngalan.
Kung iyong bubuksan mga matang ipinikit.
Mga ibang kabataan ngayon ano na ang sinapit?
Nagkalat ang pusher.
Kayrami na ng mga user.
May ilang nagwawalang kibo.
Mayroon din namang ubo ng ubo.
Kayraming nag-iinagy.
Kaya marami din ang natatangay.
Sa takbo ngayon ng ating buhay.
Kelan kaya makakamit ang tagumpay?
Sa dinami-dami kasi ng mga askal sa lipunan.
Sino na lang kaya ang pwedeng sumpungan?
Naririto tayo ngayon.
Kaydaming kabataan sa lansangan.
Ang iba,patuloy na umaasa.
Ang iba nama'y nawalan na ng gana.
Sa gulo ng lipunan.pati isip ng kabataan naapektuhan.
Magulo na ang isip ng ilang kabataan!
Hindi ka ba naaalibadbaran?
Kasamaan sa lipunan,kelan kaya titigilan?
Maraming mga kabataan!
Nagkalat kahit saan!
3rd world na tayo mga katuto!
Dapat gumising na tayo!
Ang daling sabihin na magbago
Ngunit pahirapang gawin ang bagay na ito
Ngunit uli,kung ito' kagustuhan mo
Mas mapapadali ito.
Sa henerasyon ng kabataan ngayon.
Hati-hati ang sitwasyon
May gustong magbago.
May gustong magpasawalang-kibo.
Ngunit heto ang bottomline dito:
Hanggat may nagmimithi ng pagbabago
Kahit anong sama't kawalan ng pag-asa.
Aahon at aahon ang ating bansa.
Mga kabataan,tigilan na ang paglalaro.
Makiayon na sa napipintong pagbabago.
Uli-uli, Kabataan! Tayo ang pag-asa ng bayan!
Ito'y patungo sa landas ng kaunlaran.
Sunday, May 23, 2010
KABATAAN
Posted by ice at 1:18 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment